|
MISYON Ang P14 Multi-Purpose Development Cooperative ay may dedikasyon na magsama-sama ang lahat bilang isang puwersa, para magbigay ng mga serbisyong nararapat sa bawat kaanib, para maging kaagapay sa pagtatayo ng maliit na negosyo at sila’y matulungan sa mga panahon ng pangangailangang pinansyal sa makatarungan at pantay-pantay na pamamaraan. Ang layunin ng kooperatiba ay ikampanya ang kamulatan sa mga miyembro at OFWs ang kahalagahan ng paghihirap at sakripisyo na malayo sa pamilya dahil sa paghahanapbuhay sa ibang bansa. Itinatag ang kooperatiba upang ituro ang pagtitipid at pag-iimpok habang kumikita at maihanda ang mga kaanib nito sa pagbabalik sa ating bansa pagdating ng tamang panahon. ADHIKAIN Ang aming pilosopiya ay laging nakatuon sa kasiyahan ng mga kaanib kalakip ang mataas na kahalagahan ng integridad. Ang P14 ay isa sa may pinakamababang “interest rate” kung di man pinakamababa sa merkado. Para matugunan ang pangangailangan ng bawat kaanib, sinisigurado namin na ang aming mga kinatawan (representante) ay laging handang tumulong ng higit sa kanilang kakayahan upang magbigay serbisyo sa lahat sa pamamagitan ng sistematiko at magiliw na pamamaraan. Ang P14 Multi-Purpose Development Cooperative ay may layon na maging isa sa pinakamatatag at pinakamalaking kooperatiba sa bansa, para matulungan ang mga OFWs, dating OFWs at ang kanilang mga pamilya sa pag-iimpok para sa kanilang kinabukasan at pagreretiro.
|
|
Last Updated ( Friday, 11 April 2008 )
|